"Caesar, beware the ides of March"
Sa aking mga Anakis, sa school pag nabasa nyo yung tungkol kay Julius Caesar, malalaman nyo na tinalo nya si Pompei the great sa isang sagupaan na malapit sa bayan ng Pharsalus kaya sya naging Diktador ng Roma. Ang hindi nyo mababasa don ay nung bago mag simula ang gyera, may isang Legio (siguro sarhento ang katumbas) na nangakong isasakripisyo nya ang kanyang buhay para tyak na manalo si Caesar. Hindi ko maalala ang pangalan nya. anyway, ang aktong pag sakripisyo sa buhay sa isang digmaan nung panahon na tinatatag ang imperio ng Roma ay tinatawag na "Devotio." Ngayon siguro ang katumbas nila ay mga suicide bombers. Itong Legio na ito na hindi ko talaga matandaan ang pangalan ay biglang umatake sa tagilirang bahagi ng mga tropa ni Pompei (right flank nya ata).
Syempre natigok sya kaagad.
Pero nung nanalo sila Caesar binigyan sya ng parangal dahil sinasabi nilang ang kanyang "Devotio" o sakripisyo ay ikinatuwa ng mga Imortal sa Olympus kaya kahit lamang ang kalaban at dehado si Caesar, nagmilagro, at sya ang nanalo.
Sa panahon ngayon, ang daming gustong maging Caesar sa politica. At naghahanap sila ng mga taong pambala sa kanyon para matupad ang kanilang mga pangarap na sila naman ang makinabang sa mga multi billion peso contracts sa Gobyerno. Pero syempre, hindi nila sasabihin na gusto nilang maging CAESAR kundi ang sasabihin nila sa'yo, gusto nila ng PAGBABAGO.
Naghahanap sila ng Devotio.
Ang ating lipunan ay nahahati sa dalawa: mga tumataya sa politika at mga hindi. Kung ikaw ay isang politiko na tumatakbo sa eleksyon, tumataya ka sa politika. Kung hindi... Candidate kang maging Devotio nila. Pag namatay ka, paparangalan ka pero makakalimutan din. Tulad nung Legio na iyon na nagbuwis ng buhay para sa pangarap ni Caesar... Na hanggang ngayon ay hindi ko talaga matandaan ang pangalan nung lintek na 'yon.
Pero meron tayong Karapatan na hindi pwedeng tanggalin ng mga Politico. At yon ay ang ating karapatang hindi pumayag na maging Devotio nila.
Darating ang araw, mababasa nyo ang mga kaguluhan sa politica ngayong mga panahong sinulat ko ito. Dapat ipaliwanag ko kung bakit hindi ako nakikigulo at sumasangayon sa mga Politico: kaliwa o kanan, Gobyerno o Oposisyon. Sa mga susunod na isusulat ko, susubukan kong ipaliwanag ang sarili ko. Mga Anakis, kayo nalang ang bahalang humusga sakin. at sana, tama ang mga desisyon ko dahil hindi ako pumapayag na maging Devotio nila, bagkus ang palagi kong sina sabi sa mga politico... MANIGAS KAYO!

itutuloy...
5 comments:
Wala akong karapatang husgahan ka dahil hindi naman mali ang iyong opinyon tungkol sa ating mga pulitiko. Mabagal masyado ang asenso sa ating bansa at hindi ko rin maunawaan kung bakit ang ating Kongreso ay tila hindi nagmamadali na ayusin ang mga suliranin ng ating bansa. Minamatamis pa nilang magsayang ng ating oras at buwis sa pamumulitika at walang katapusang debate na hindi naman nauuwi sa pagpasa ng matitinong batas.
Pagod ka na, Kaibigan, sa kaguluhan ng ating sistema. Sang-ayon ako sa sinabi mo na walang mangyayari kung papayag tayong maging Devotio ng mga makasariling pulitiko. Pahahabain at palalalain lang nila ang ating pagdurusa. Tama na.
Maraming salamat sa iyong pag-bisita sa aking munting blog. :)
Hay nako, ito na siguro ang sitwasyong "caught between the devil and the deep blue sea". Kawawa naman talaga ang mga Pinoy. Pero okay lang, tayo din naman ang kumuha ng bato para ipukpok sa ulo natin eh...
helpless, helpless... tayong mga Pinoy.
where do we go from here?
Panaderos> salamat sa pagbisita, Pre!
Sngl> pakipost dito ang URL ng blog mo. I'm starting to have withdrawal symptoms, y'know.
Bing> Turuan natin ang mga anak nating hwag magpagamit sa mga politico. I think that's a start.
My URL? Why? What's wrong with your links?
Post a Comment