Sunday, April 27, 2008

Message to my unborn child

Dear Sage and Sabine, Sage wants the new baby to be a BOY while Sabine is praying for a GIRL. Basta kami ni Mommy, we hope he or she will be very healthy and strong, we hope that Mommy will stay healthy and strong too.

The lines below are from a cult classic, "Cocktail." Tom Cruise was asked to recite an impromptu poem while serving drinks in his own bar. His pregnant wife, Jordan, sits among the crowd.

"If Jordan gives birth to a fine Irish son /
There will be Cocktails and Dreams for him one day to run /
A business that will yield the financial windfall /
To be franchised in every suburban shopping mall. /
If a daughter arrives to bless our clan /
I guess the shit will finally hit the fan /
But this I shall promise thee /
I'll never let her marry a guy like me. /
Still if our child is the naughtiest of girls or the wildest of young men /
I swear I'll be the best dad I can
And never ever get spooked again."



Honestly, if you are gonna be a Boy, I'll take a leaf from a Denzel Washington Movie...

"Treat all girls like Princesses. Because that's what they are."

9 comments:

atticus said...

that scene in that movie made me break down.

specially when denzel said "don't smoke."

*sniff*

noong bata pa ako, lagi ko noong hinihiling kay Big Boss Up There, "can i have my dad back, please?"

TK said...

JJ, I can only imagine...

I can only...

No. That's not true. I can't even imagine what you've been through.

Pero Ading, since he's not around, ako nalang ang magsasabi sa'yo nito

Don't Smoke (Trust me, real men these days, dig chicks gutsy enough to ditch the ciggies.)

Itanong mo kay AC360.

atticus said...

hahaha! salbahe ka TK. gamitin ba si AC360 sa equation. hamo, subukan ko ulit mag-quit.

idi-declare ko sa blog kapag first day ko na.

Connie said...
This comment has been removed by the author.
beatburn said...

ako yung nagdelete. forgot to log out account ni misis.

sana malakas at malusog.
at kung lalaki eto suggestion:

medyo mahaba nga lang pero maganda siya.

Pagkat lalaki ka
ni Michael M. Coroza


I.

Pagkat lalaki ka, Anak,
matuto kang umiyak.
Mapait langgasin ng luha ang gunita
o ang bagong sugat ng huling pagkadapa
subalit malinis at subok ang bisa
ng luha sa pagtanggal ng mga mikrobyo
sa isip, puso at buong pagkatao.

Pagkat ikaw ay lalaki,
matuto kang magsisi.
Dagok sa dangal ang pag-amin sa kasalanan
ngunit sadyang walang may monopolyo ng katwiran,
hayaan mong ikaw ay usigin, husgahan,
sa ganyan mo mahahanap ang angkop na sangkap
upang ang iyong pagkatao’y maganap.


II.

Minana mo, Anak,
ang laksang pribilehiyo
na pinagpasasaan
ng mga nagtindig
ng Tore ng Babel,
Piramide, Koliseo,
Ziggurat, Templo
at mga imperyo.

Iyo rin ang luwalhating
tinatamasa nila
sa mga maskuladong
pahina ng historya.

Ngunit, Anak, dumadaloy rin
sa iyong katauhan
ang mapagmalupit
nilang lohika’t pangalan
na nandarahas, gumagahis,
nagpipiit sa iyong ina’t
sa lahat ng ina’t babae sa daigdig.

Penny Lane said...

TK! nasaan na ang mga lalaking tulad mo???? hahaha.

TK said...

Prof> Halatang kinawawa natin ang mga babae sa buong history ng mundo. pati dun sa poem. ke habahaba pero na mention lang ang mga chicks nung huling talata na.

Koryn> I'm not perfect. Obviously. Itanong mo kay Dhes. at sana nakahawig ko man lang si AC360. or si Sebastian Junger. or si Albert Martinez circa scorpio nights2.

little light said...

hi TK! thanks for visiting my blog. you found me! :)

tsaka you're going to have a new baby pala. that's good to hear! a baby is always a blessing. :)

Penny Lane said...

"or si Albert Martinez circa scorpio nights2."
--bakit ayaw mo na ng after scorpio nights 2? :p

Letters to my kids about their childhood adventures



To Sage, Sabe, Sade & 3Stan

To Sage, Sabe, Sade & 3Stan
WELCOME!